Nakinig kami sa office ng Senate Hearing ni Rodolfo Noel "Jun" Lozada, ang sinasabing star witness ng ZTE - NBN Broadband Scandal. Nakakagulat na nakakainis ang mga kwento nya about the cancelled deal. We are part of the bureaucracy, nabanggit pa nga ang isa sa projects ng agency kung saan kami nagtatrabaho, pero di ma-explain ang bwisit na naramdaman namin. Actually, bwisit is an understatement.
Pero ang di ko malilimutan ay ang pagiging candid ni Lozada about his own dealings. Di sya nagmalinis. He did not attempt na maghugas-kamay. Bagkus, he admitted that he participated in small albeit questionable dealings. Di sya gaya ng karamihan na nasa higher-ups na sobra kung magpaka-self-righteous, na grabe kung magturo pero ang pinangtuturo nilang kamay ay ubod ng dumi rin.
I am not saying that I believe him 100%. Pero dahil sa ginawa nyang yun, mas lumalaki ang paniniwala kong credible witness sya. And I am very touched sa sinabi nya na kaya nya ginagawa ang pagbubulgar na ito ay dahil he wants to give back to this country na naging mabuti sa kanya at sa kanyang pamilya. Sana, lahat tayo ganun din ang isipin, ano?
I do not know Jun Lozada personally, but my prayers are with him and his family.
